Piolo Pascual, Joyce Bernal donate P1.5 million for Marawi rehabilitation

MANILA, Philippines – Actor Piolo Pascual and director Joyce Bernal met with actor Robin Padilla on Monday evening, October 23, to donate P1.5 million for the rehabilitation of Marawi City.

On Monday, Defense Secretary Delfin Lorenzana announced that after 154 days of battling terrorists, government troops had ended all combat operations. The next step for war-torn Marawi City is rehabilitation.

On Instagram, Robin thanked Joyce and Piolo for the donation. Robin, who is involved in efforts to rebuild Marawi City, also previously donated P5 million to the government for children affected by the crisis.

Sa ngalan ng Panginoong ALLAH ang pinakamapagpala at ang pinakamahabagin. Ang araw na ito ay pinagpala ng kanyang habag at awa sapagkat ang panalangin ng mga muslim filipinos hindi lamang ng mga kapatid na Moro kasama na rin ang ating mga Kababayan na patuloy na nagdarasal para sa mabuting kahihinatnan ng MARAWI ay may malinaw na kasagotan na po ALLAH HU AKBAR!!! Mula sa napakagandang paglalahad/briefing sa akin ng ARMM governor Mujiv Hataman kahapon ng umaga ay napagkalooban naman po ako ng Pagpapala ngayong hapon at gabi na ito at aking nasaksihan ang Pagre report ng samahang BANGON MARAWI na binuo ng mahal na Pangulo RRD/ El Cid, upang magsagawa ng Rebuild at Rehabilitate MARAWI. Napakalinaw po ng mga paliwanag ng Kalihim ng DND Delfin N Lorenzana at Hepe ng AFP Eduardo M Año patungkol sa maingat na pagbabalik ng mga residente ng MARAWi sa kanilang mga tahanan at ari arian. Napakalinaw din po ang paulit ulit na pagtatanong ni mayor duterte sa Representante ng kalihim ng DSWD Emmanuel A Leyco patungkol sa pagkain ng mga bakwit pati na rin ang kahalagahan ng malinis na tubig sa kanila.Nakakapanabik naman ang inihain na master plan ng Kalihim ng DTI Ramon M Lopez patungkol sa kinabukasan ng mga MARANAO sa kayod at hanapbuhay. Akoy nagpupugay sa ILIGAN CITY sa pagbubukas nila ng kamay sa mga Maranao Traders ALHAMDULILLAH!! Nakapagpataas naman ng ispiritu ang napakagandang plano ng Hepe ng HUDCC Eduardo del Rosario Patungkol sa mga itatayong tahanan para sa mga taga Marawi na nawasak ang mga ari arian dahil sa tindi ng labanan.SUBHANAALLAH ay tunay na Konkreto ang plano at vision ng mga Ahensya na ito sa pamamahala ni DIGONG.. Ako po ay malalim na nagpupugay kay Heneral Bong Go sa patuloy na pagbubukas ng linya sa amin ni mayor DU30...Ako po ay malalim na nagpapasalamat kay GM Glen Pangapalan sa kanyang patuloy na pagpapatibay ng aming pagiging magkapanalig sa rebolosyon at pagiging magkumpare.Tanggapin mo ang aking malalim na paggalang ginoong Francisco Tiu Laurel jr at binibining Lisette Marquez. Higit sa lahat akoy nagpapakumbaba at sumasaludo sa lahat ng Protocol Officers and Staff, PSG, BUTLER, at Palace House Staff. Mabuhay ang BANGON MARAWI!! A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on Aug 16, 2017 at 7:48am PDT 

Pagpupuri sa nag iisang Panginoong Maylikha!!! Allah hu akbar A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on Aug 16, 2017 at 6:33am PDT

 

"Bihira ang mga taong may ganitong klaseng puso at pananampalataya... Pagkatapos na pagkatapos na makapaningil ng kanilang kinita sa pagiging mga producer ay hindi naisip ng dalawang ito na mag-good time kaagad o magpakalunod sa celebration bagkus ang ginawa nila ay hinanap ako at kagyat nagdonate ng pera para sa pagpapatayo ng bahay sa Marawi. One million [pesos] galing kay kapanalig na Piolo Pascual at P500,000 galing kay kapanalig Joyce Bernal," Robin said.

(People like them with this type of heart and faith are rare... After earning so much money as producers, they did not think about spending the money on celebrations. Instead, they looked for me and donated money to build homes in Marawi. P1 million from Piolo Pascual and P500,000 from Joyce Bernal.)

"Maraming, maraming salamat sa inyong dalawa dahil hindi lamang tulong pinansyal ang nais ninyong ibahagi kundi pati ang inyong personal na serbisyo para sa pagpapalaganap ng Tindig Marawi sa bawat puso ng Pilipino," Robin added.

(Thank you very much to the two of you since you not only provided financial aid, but you also want to help spread the spirit of Tindig Marawi to the heart of every Filipino.)

Bihira ang mga taong may ganitong klaseng puso at pananampalataya.. Hindi ko masabi na religious act ang ipinakita nila sa akin ngayon gabi ng ika 23 ng oktubre 2017 sapagkat maraming religious na tao pero walang act na ganito..pagkatapos na pagkatapos na makapaningil ng kanilang kinita sa pagiging mga producer ay hindi naisip ng dalawang ito na mag goodtime kaagad o magpakalunod sa celebration bagkus ang ginawa nila ay hinanap ako at kagyat nagdonate ng pera para sa pagpapatayo ng bahay sa marawi. 1million piso galing kay kapanalig na Piolo Pascual @piolo_pascual at 500 libong piso galing kay kapanalig Joyce Bernal @direkbinibini. Maraming maraming salamat sa inyong dalawa dahil hindi lamang tulong pinansyal ang nais ninyong ibahagi kundi pati ang inyong personal na serbisyo para sa pagpapalaganap ng Tindig Marawi sa bawat puso ng Pilipino..mabuhay kayo aking mga kaibigan!! Mabuhay ang inyong Mga ispiritu !! Dasal koy kumalat ang mga #spiritualact ng bawat Pilipino upang manaig ang ating lahing pagkaTagalog!! .. "Sa salitáng tagalog katutura’y ang lahát nang tumubo sa Sangkapuluáng itó; sa makatuid, bisaya man, iloko man, kapangpangan man, etc., ay tagalog din. (The word tagalog means all those born in this archipelago; therefore, though visayan, ilocano, pampango, etc. they are all tagalogs. A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on Oct 23, 2017 at 10:46am PDT 

 

Piolo and Joyce recently worked on the movie Last Night with Toni Gonzaga. – Rappler.com