PANOORIN: Mga pamilyang deboto, kumpleto sa Nazareno 2018

MANILA, Philippines – Ang mga pamilyang nagdarasal nang magkakasama ay mananatiling magkakasama.

Ito ang isinapuso ng ilang mga deboto sa Pista ng Itim na Nazareno sa ika-9 ng Enero.

Kahit na nagbanta ang pulisya na huwag dalhin ang mga bata sa prusisyon, sumuong pa rin ang ibang mga magulang sa dagat ng tao dala-dala ang kanilang pamilya, pati na ang mga sanggol.

Ayon sa ilan sa kanila, hindi nila magawang iwan ang mga bata dahil sila ang mga dasal na sinagot ng Poon. 

Dagdag pa ng ilan, magandang maagang masimulan ang mga bata sa tradisyon ng Nazareno.

Panoorin ang kanilang mga kwento sa vlog na ito ni Rambo Talabong. – Rappler.com