Pangilinan fears nationwide martial law

The 17th Congress on Saturday, July 22 agreed to extend martial law in Mindanao until December 31, as requested by President Rodrigo Duterte.

Lawmakers and senators were given a chance to explain their votes before the plenary. Among them was Senator Francis Pangilinan, who voted against the extension.

Here is the full text of Pangilinan's speech as provided by his office.

***

Maraming salamat, Ginoong Tagapangulo.

Tumutol tayo sa 5 buwang pagpapatupad ng martial law sa buong Mindanao. Naniniwala tayo na ang Saligang Batas mismo ang nagsasabing hindi maaring lumampas sa 60 na araw ang martial law declaration. Ito po, 150 days, halos kalahating taon po.

Naniniwala po tayo na hindi ito ang layunin ng ating Saligang Batas.

Naniniwala din po tayo na sa usapin ng kabuuan ng Mindanao, base na rin sa ebidensiya, sa dokumento, at datos na isinumite ng ating gobyerno, 4 na barangay na lamang ang sinasalakay sa kasalukuyan at 16 na barangay ang nailaya na mula sa mga terorista mula nang ideklara ang martial law.

Apat na barangay sa loob ng 150 araw, 4 barangays for 150 days, when we were able to save and rescue and defeat the terrorists in 16 barangays in 60 days. Therefore, we also believe precisely that as to the factual basis, medyo ho kulang ang basehan para magkaroon ng ganitong klaseng lawak ng martial law.

Naniniwala rin tayo sa posisyon ng 3 SC [Supreme Court] Justices nung sila po ay nag-dissent dito po sa ruling ng Lagman case sa declaration of martial law. Sina Chief Justice Sereno, Justice Carpio, at Justice Caguioa, sila pong tatlo’y naniniwala na hindi basehan ang deklarasyon, walang basehan para sa buong Mindanao, kung hindi, bagkus doon lamang kung saan mayroong aktwal na pag-aaklas o rebelyon.

Ang mas matinding agam-agam po natin ay ang posibilidad na magkaroon ng deklarasyon ng martial law sa darating na mga araw sa Visayas o ‘di kaya sa Luzon.

Bagama’t naniniwala tayo sa pahayag ng ating kalihim ng National Defense [Secretary] na si Secretary Lorenzana na habang nagkaroon ng kilos ng terorista sa Bohol, wala naman po silang plano na mag-implement ng martial law sa Visayas.

At naniniwala din tayo na bagama’t sinama ang NPA (New People's Army) ng AFP (Armed Forces of the Philippines) sa kanilang operational directive sa mga grupong kinakailangang harapin, at ang NPA ay kumikilos sa buong bansa, sinabi rin ng gobryerno na wala silang planong magdeklara ng martial law sa Metro Manila at buong Luzon.

Ngunit hindi pa rin panatag ang loob natin na kung sakali sa darating na mga araw na magkaroon ng isolated acts of terrorism either in the Visayas or in Luzon, will this be the basis to declare martial law in Luzon, in Visayas or nationwide?

This we regard against is precisely why our concern is the basis for the declaration, we believe is unconstitutional and thus is a matter that has to be addressed.

Maraming salamat po. – Rappler.com