PANOORIN: Ano ang ginagawa ng Quiapo Church laban sa patayan?

MAYNILA, Pilipinas – Humaharap sa bagong hamon ang Quiapo Church, tahanan ng Itim na Nazareno, sa panahon ng maraming patayan sa giyera kontra droga.

Ano ang ginagawa ng Quiapo Church para tulungang matigil ang mga patayan? 

Ikinuwento ni Quiapo Church rector Monsignor Hernando Coronel ang mga programa ng Quiapo Church sa drug rehabilitation, sa pagtulong sa mga pamilya ng mga pinaslang, at sa paghubog sa mga pulis at sundalo.

Ipinaliwanag din ni Coronel kung bakit mahalaga ang mga gawaing tulad nito para sa Itim na Nazareno. (BASAHIN: Devotees mark Nazarene feast in time of killings)

Panoorin ang vlog na ito ni Paterno Esmaquel II. – Rappler.com