Salita ng Taon 2018: Narito ang mga pinagpipilian

MANILA, Pilipinas – Labing-isang napapanahong salita ang nominadong maging Salita ng Taon 2018, ayon kay Joey Baquiran, direktor ng Filipinas Institute of Translation (FIT). 

Ang 11 nominadong salita ay naging laman ng mga balita at diskusyon, at bukambibig ng mga Filipino sa nakalipas na dalawang taon, ayon sa propesor. Ang mga ito ay: 

Ipagtatanggol ng mga nagsumite ang bawat salita sa "Sawikaan 2018: Pambansang Kumperensiya sa Salita ng Taon" sa Biyernes, Oktubre 26, sa Institute of Biology Auditorium sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman.

Ang mapipiling salita ng mga opisyal na delegado sa Sawikaan ay mabibilang sa mga itinanghal nang Salita ng Taon: canvass (2004), huweteng (2005), lobat (2006), miskol (2007), jejemon (2010), wangwang (2012), selfie (2014), at fotobam (2016). (BASAHIN: 'Fotobam' bilang Salita ng Taon: Paalala sa isyu ng Torre de Manila)

Maaaring maging nominado sa Salita ng Taon ang mga salitang bagong imbento, salitang bagong hiram mula sa katutubo o banyagang wika, lumang salita ngunit may bagong kahulugan, o patay na salitang muling binuhay.

Nagsimula ang Sawikaan noong 2004 upang subaybayan ang pag-unlad ng wikang Filipino batay sa umiiral na gamit ng mga salita sa diskurso ng lipunan. Simula 2010, ito ay idinaraos kada dalawang taon.

Ang Sawikaan 2018 ay proyekto ng FIT, kasama ng Opisina ng Tsanselor ng UP Diliman, UP Diliman Information Office (UPDIO), at ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). – Rappler.com

Michael Bueza

Michael Bueza is a researcher and data curator under Rappler's Research Team. He works on data about elections, governance, and the budget. He also follows the Philippine pro wrestling scene and the WWE. Michael is also part of the Laffler Talk podcast trio.

image