GABAY: Bilang ng pasahero sa pampublikong sasakyan sa ilalim ng GCQ

Magbabalik-operasyon ang mga pampublikong sasakyan sa mga lugar na isinailalim na o sasailalim hanggang Mayo 15 sa general community quarantine (GCQ), mula sa mas mahigpit na enhanced community quarantine (ECQ).

Umiiral ang GCQ sa 62 probinsiya hanggang Mayo 15. Bukod sa Metro Manila, 9 na probinsiya at lungsod naman ang nasa ilalim ng ECQ at naghihintay magluwag ang mga patakaran. (BASAHIN: Government changes list of areas under ECQ)

Gayon man, limitado pa rin ang pahihintulutang kapasidad ng mga ito, ayon sa mga panuntunang inilabas ng Department of Transportation (DOTr) nitong Sabado, Mayo 2. 

Sa ilalim ng GCQ, maaaring lumabas ang miyembro ng tahanan na kukuha ng mahahalagang kalakal at serbisyo, at ang mga nagtatrabaho sa mga industriyang pinahintulutang magpatuloy ng operasyon. (BASAHIN: EXPLAINER: What happens under general community quarantine?)

Upang mabawasan ang pagkalat ng coronavirus sa loob ng mga behikulo, narito ang gabay ng DOTr sa physical distancing sa iba’t ibang uri ng sasakyan. 

Shuttle service
Public utility bus (2 x 2 rows)
Public utility bus (2 x 3 rows)
Modern public utility jeepney (PUJ)
Traditional PUJ
Taxi at mga transport network vehicle
Tricycle
UV Express
Pribadong sasakyan
Motorsiklo
Pampasaherong barko
Tren

Ang operasyon ng mga riles ay nakasalalay pa sa pahintulot ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF). 

Bisikleta

Hinihimok din ng DOTr ang publiko na gumamit ng bisikleta o mga katulad na sasakyan. Makabubuting magtalaga ng bike lanes ang mga pamahalaang lokal, ayon sa ahensiya. 

Eroplano

Binabalangkas pa lamang ang mga patnubay para sa physical distancing sa mga eroplano, ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines spokesperson Eric Apolonio.

Saan-saan pahihintulutan ang mga sasakyan?

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), dedesisyunan nito at/o ng DOTr kung ano ang mga rutang maaaring pasadahan ng mga sasakyan sa ilalim ng GCQ. Hindi maaaring magbukas ng mga ruta ang local government units nang walang pahintulot ng LTFRB. 

Sa mga rutang ito, ang bus ang pangunahing uri ng transportasyon. 

Para sa mga lugar na kulang ang bus, o hindi maaari ang bus sa kalsada, mga modernong public utility vehicles (PUV) ang susunod na priyoridad, ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra.

Sa mga lugar naman na walang mga bus at modernong PUV, pahihintulutan ang mga PUJ at UV Express. 

Kung walang ibang uri ng transportasyon na maaaring magserbisyo, maaaring patakbuhin ang mga tricycle.

Mas gusto ng DOTr na gumamit ng automatic fare collection system ang mga sasakyan – katulad ng ginagamit ng mga modernong yunit – para maiwasan ang kontak sa pag-aabot ng pamasahe. 

Upang pahintulutan ang kanilang operasyon sa mga itinalaga na ruta, kailangang mag-apply para sa special permit ang mga drayber at operator sa pamamagitan ng email. Walang bayad ang aplikasyon habang ipinapatupad ang GCQ. Naglabas ng memorandum circular ang LTFRB kung saan mahahanap ang email address para sa bawat rehiyonal na opisina.

Karagdagang safety measures

Para sa proteksiyon ng mga pasahero, ipinag-utos din ng DOTr ang mga sumusunod na safety measures: 

  • Magsuot ng face mask at guwantes ang drayber at konduktor.

  • Magsuot ng face mask ang mga pasahero. Hindi pahihintulutang sumakay ang hindi naka-face mask.

  • Maglaan ng disinfectant o pamatay ng mikrobyo sa mga sasakyan, terminal para magamit ng mga pasahero.

  • Kung walang automatic fare collection system ang sasakyan, mangongolekta ng pamasahe ang drayber o konduktor ng jeepney sa harap bago sumakay ang mga pasahero.

  • Sa mga terminal, magsasagawa ng thermal scanning sa bawat pasahero bago sila sumakay. Hindi pahihintulutang sumakay ang pasaherong may temperaturang 38 degrees centigrade pataas.

  • Lahat ng bus ay kinakailangang may thermal scanner. 

  • Idi-disinfect ang mga sasakyan pagkatapos ng bawat biyahe. Kung tuloy-tuloy ang operasyon nito, kailangan mag-disinfect kada 3 oras. 

  • Maglaan ng foot disinfectant o foot bath para sa mga pasahero bago sila sumakay.
  • Markahan ang mga espasyo na maaaring upuan ng mga pasahero.
  • Magsasagawa ng random inspection araw-araw ang mga awtoridad upang matiyak na nasusunod ang mga panuntunan at gabay ng DOTr.
  • Hindi pahihintulutang mamasada ang mga drayber o konduktor na may sintomas ng COVID-19.

 Rappler.com

Loreben Tuquero

Loreben Tuquero is a researcher-writer for Rappler. Before transferring to Rappler's Research team, she covered transportation, Quezon City, and the Department of the Interior and Local Government as a reporter. She graduated with a communication degree from the Ateneo de Manila University.

image