[PODCAST] Ang Department of Health sa gitna ng pandemya

Subscribe to Rappler podcasts on iTunes and Spotify

Patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus sa Pilipinas, apat na buwan mula nang ilagay sa ilalim ng lockdown ang Metro Manila. 

Kung ikukumpara sa ibang lugar sa Southeast Asia, ang Pilipinas ay tila nahuhuli pagdating sa pagpigil ng coronavirus kahit na ang bansa ang isa sa mga may pinakamahabang lockdown sa mundo. 

Sa episode na ito, pag-uusapan nina Rappler health reporter Bonz Magsambol at researcher-writer Jodesz Gavilan kung bakit humantong sa ganito ang sitwasyon at kung bakit tila maraming kontrobersiya ang umusbong tungkol sa coronavirus response. 

Ayon kay Magsambol, dapat ipakita ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagiging leader sa loob ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases:

Ano ang dapat bigyang prayoridad ng gobyerno pagdating sa paglaban sa virus na ito? Ayon kay Magsambol, dapat mag-focus ang DOH at gobyerno sa testing:

Ano ang mga bagong datos at impormasyon tungkol sa coronavirus ang dapat malaman ng publiko? Pakinggan ang podcast. 

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com

Photo by Ben Nabong/Rappler

Pakinggan ang iba pang episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories sa page na ito.

Pakinggan ang latest podcast episodes: