EXPLAINER: Handa na bang magbukas ng klase sa Agosto 24 ang Pilipinas?

Bonz Magsambol

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

Tuturuan ang mga estudyante sa pamamagitan ng printed modules, online learning, at mga leksiyon sa TV o radyo. Maraming tutol sa desisyon ng DepEd na ituloy ang school opening.


Animation by David Castuciano

MANILA, Philippines – Sa kabila ng pandemya – habang mas bumibilis ang pagdami ng taong tinatamaan ng coronavirus diseas, at unti-unti pa lamang nagbubukas ang ekonomiya – iginiit ng Department of Education (DepEd) na handa ang Pilipinas na magbukas ng klase sa Agosto 24. 

Distance learning ang magiging sistema. Sa halip na pisikal na klase kaharap ang mga guro sa mga paaralan, tuturuan ang mga estudyante sa pamamagitan ng printed modulesonline learning, at mga leksiyon sa TV o radyo.

Maraming tutol sa desisyon ng DepEd na ituloy ang school opening. Ayon sa mga magulang at estudyante, naaapektuhan ng lockdown ang kanilang kabuhayan at hindi nila kakayanin ang gastusin. Marami ring pamilyang walang access sa kompyuter o internet. May mga batang ang magulang ay hindi sapat ang kaalaman para tumayong guro sa tahanan. 

Ayon sa December 2019 data ng DepEd, 67% lamang ng mga Pilipino ang may access sa internet. 

Paano ang natitirang 33%? Ayon sa DepEd, bibigyan ng printed modules ang mga walang access sa internet.

Batay sa datos nitong Hulyo 7, humigit sa 18 milyong estudyante mula sa pampubliko at pribadong paaralan na ang nakapagpatala. Mahigit sa kalahati lamang ito ng 27 milyong estudyante noong nakaraang taon.

Handa na nga ba ang Pilipinas na magbukas ng klase sa darating na Agosto 24? Panoorin ang video. – Rappler.com

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!
Avatar photo

author

Bonz Magsambol

Bonz Magsambol covers the Philippine Senate for Rappler.