PODCAST: Sino si Bikoy at dapat ba siyang paniwalaan?

(Subscribe to Rappler podcasts on iTunes and Spotify)

MANILA, Philippines – Lumabas na sa publiko si "Bikoy" mula sa ilang buwang pagtatago pagkatapos nailabas ang serye ng kontrobersyal na videos laban sa circle ni President Rodrigo Duterte.

Sa video na kumalat sa social media, inakusahan ni Peter Joemel Advincula ang ilang miyembro ng pamilya at malapit na kaalyado ni Duterte ng pagiging sangkot sa pagbenta ng ilegal na droga. Ayon sa kanyang sanaysay, alam niyang kasapi sa isang sindikato ang presidential son na si Paolo Duterte at ang kandidatong si Bong Go. (READ: Alias 'Bikoy': From seminarian to ex-con to whistle-blower)

Noong nakaraang linggo naman, inaresto ang isang lalaking nagngangalang Rodel Jayme dahil diumano sa pag-share ng Bikoy videos. Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation at haharapin niya ang kasong inciting to sedition. (READ: Legal questions on the arrest of 'Bikoy' video sharer

Sa podcast na ito, pag-uusapan ng police reporter na si Rambo Talabong, justice reporter Lian Buan, at researcher-writer Jodesz Gavilan ang mga tanong na lumabas tungkol sa pag-aresto at kabuuang paghawak ng mga awtoridad sa kontrobersiyang kalakip ng Bikoy videos. 

Ano ang alam natin tungkol sa pagkatao ni Advincula? Tama bang kasuhan ng inciting to sedition si Jayme? Pakinggan ang podcast. – Rappler.com

PAKINGGAN ANG IBA PANG RAPPLER PODCAST:

Jodesz Gavilan

Jodesz Gavilan is a writer and researcher for Rappler and its investigative arm, Newsbreak. She covers human rights and also hosts the weekly podcast Newsbreak: Beyond the Stories. She joined Rappler in 2014 after obtaining her journalism degree from the University of the Philippines.

image