International Criminal Court

[PANOORIN] EXPLAINER: Ang kaso ng Pilipinas sa ICC

Rappler.com
[PANOORIN] EXPLAINER: Ang kaso ng Pilipinas sa ICC
Komplikado ang proseso ng ICC, at muntikan nang naipanalo ng gobyerno ang desisyon noong Hulyo

LONDON, United Kingdom – Hinihintay ngayon kung hihiling ba si International Criminal Court (ICC) Prosecutor Karim Khan ng warrant of arrest o summons mula sa korte sa The Hague, Netherlands, para sa mga nasa likod ng patayan sa war on drugs sa Pilipinas.

Humiling man siya o hindi, mananatiling komplikado ang proseso ng ICC para sa mga biktima ng drug war, o para sa mga posibleng ituring na suspek. Napaka-teknikal pa naman ng huling desisyon ng ICC appeals chamber noong Hulyo, isang desisyong muntik nang naipanalo ng gobyerno at maaaring magamit pa rin nila sa takdang panahon.

Nalilito ka ba? Nakakalito talaga. Panoorin ang explainer video na ito ni Lian Buan, ang justice reporter ng Rappler. – Rappler.com

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!