opening of classes

PANOORIN: Walang paskil na pader para sa mas de-kalidad na edukasyon?

Rappler.com
PANOORIN: Walang paskil na pader para sa mas de-kalidad na edukasyon?
Handang sumunod ang mga paaralan sa bagong direktiba ng DepEd na siguraduhing walang mga materyal na 'hindi kinakailangan' sa pader, ngunit mas ikinababahala nila ang mga mag-aaral na napag-iwanan dahil sa pandemya

MANILA, Philippines – Mga pader na walang paskil ang bumungad sa mga estudyante na nagbalik eskwela noong Martes, Agosto 29.

Higit 22.9 milyong estudyante ang nakapagpatala noong umaga ng Agosto 29, ngunit mas marami pa ang inasahan ng Department of Education (DepEd) na magpapatala. Noong Biyernes, Setyembre 1, tumaas ang bilang sa 24.96 milyon.

Iba-iba ang interpretasyon ng iba’t ibang mga paaralan sa bagong direktiba ng Bise Presidente at Kalihim ng Edukasyon na si Sara Duterte na gawing malinis ang mga pader, at walang nakapaskil na kahit anong “hindi kinakailangang” mga poster, tarpaulin, artwork, at iba pa. (READ: [In This Economy] Spare a thought for the PH’s 90% learning poverty rate)

Nalulungkot man ang ilang mga guro sa pagbabaklas, handa naman silang sumunod sa utos. Ngunit mas ikinababahala nila mga napag-iwanang mag-aaral dahil sa pandemya.

Panoorin dito ang ulat ni multimedia reporter Michelle Abad. – Rappler.com

Reporter: Michelle Abad
Production specialist: Franz Lopez
Editor: JP San Pedro
Producer: Cara Angeline Oliver
Supervising producer: Beth Frondoso

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!