Ferdinand Marcos Jr.

[Under 3 Minutes] Marcos Jr. back in Hawaii

Dwight de Leon
[Under 3 Minutes] Marcos Jr. back in Hawaii
'Poignant moment' daw para kay Marcos Jr. ang kanyang pagbisita rito

Nang mapatalsik sa kapangyarihan ang pamilyang Marcos noong 1986, kinupkop sila ng ilang miyembro ng Filipino community sa Hawaii. Kaya naman nagpumilit daw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumisita sa Hawaii sa kanyang byahe sa Estados Unidos – kahit may mga Pilipino ring tutol sa kanyang pagdalaw.

Pinasalamatan ni Marcos Jr. ang mga personalidad na sabi niya ay “bumuhay” sa kanya at sa kanyang pamilya noong mga taong in-exile sila sa Honolulu. Pero hindi lahat ng Pilipino sa Hawaii ay sumasamba sa pamilyang Marcos. Sa labas ng bulwagan kung saan nagsalita ang pangulo, may grupo ng mga aktibistang nagpaalala kung bakit nga ba tumakas pa-Hawaii ang kanyang pamilya. – Rappler.com

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!
Avatar photo

author

Dwight de Leon

Dwight de Leon is a multimedia reporter who covers President Ferdinand Marcos Jr., the Malacañang, and the Commission on Elections for Rappler.