POGOs

[EDITORIAL] Meme of the month si Alice Guo, pero evil of the century ang POGOs

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

[EDITORIAL] Meme of the month si Alice Guo, pero evil of the century ang POGOs

NICO VILLARETE

Slavery is evil. Human trafficking is evil.

Nakaiintriga at parang “puzzle” ang misteryo ni Alice Guo, ang mayor ng Bamban, Tarlac na tadtad ng inconsistencies ang kuwentong buhay. (PANOORIN: 5 inconsistencies sa statements ni Mayor Alice Guo)

May komedya pa si Mayor tungkol sa kanyang mga travel buddies, aka siblings: “After po ng Senate hearing po, your honor, nag-confirm po ako sa tatay ko, kapatid ko daw po sila.” O, kaya ‘nyo ‘yun? 

Puwede na siyang magsulat ng memoir, How Not To Lie Before a Senate Inquiry. Tinawag ni Rappler columnist Antonio Montalvan II ang pagsisinungaling ni Guo na “serial lying.” Kung pati mga kapatid niya ay itinatwa niya, hindi kaya pathological lying na ito? (PANOORIN: Newsbreak Chats: Untangling the mystery of Alice Guo)

Pero, hindi man kasingnakaaaliw, kailangan nating tingnan ang big picture at bakit nag-iimbestiga ang Senado.

Lehitimo man ang existence nila bilang Internet Game Licensee o IGL, kumikilos ang mga ito bilang sindikato.

Ang mga POGO o Philippine Offshore Gaming Operator na ito ay sangkot sa human and sexual trafficking, serious illegal detention, at scamming. Mahaba ang listahan ng scamming at marami nang Pilipino ang nabiktima nito: fake shipping, fake online charity, fake shopping websites, fake online sellers, fake free trials, fake Christmas gift cards, fake tech support, fake crypto investment, fake relative/friend, dating, foreign exchange investment, at loans. ‘Yung mga scams sa ating mga cellphones? Galing sa POGO/IGL ‘yan.

Ang mga manggagawa dito ay hindi nakakalabas, pinagkakaitan ng kalayaan, at kumpiskado ang kanilang mga papeles. Ang iba ay ginagamit sa sexual trafficking o bilang sex slaves. 

Talamak ito sa Third World at isa itong transnational organized crime. Kung totoo lahat ng ipinupukol kay Alice Guo, susing personalidad siya sa network sa Central Luzon na nagdadala ng mga undocumented workers dito at mistulang inaalipin sila. Maaaring nakapasok ang mga manggagawa gamit ang fraudulently acquired passports (may ibang sindikato sa Immigration na sangkot naman dito). Naaalala ‘nyo pa ba ang pastillas controversy? Tip lamang iyon ng iceberg.

Nagsimula ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na mag-imbestiga sa Baofu compound nang may dalawang banyagang illegally detained na tumakas doon – isang Vietnamese at isang Malaysian.

Opo, ‘yan ang Baofu compound na pag-aari ni Alice Guo na siya rin, bilang mayor, ang nagbigay ng permit to operate sa umano’y “tenants lang” niya. (Nakakaloka sa conflict of interest pa lang.)

Galit na galit tayo kapag mga kababayan natin ang mistulang inaalila sa ibang bansa at pinagkakaitan ng kalayaan. Pero nangyayari din ito mismo sa ating bansa, at mga katulad umano ni Alice Guo ang nagpapadulas ng human trafficking.

Hindi small-time na negosyanteng medyo shady lang si Guo. Kung susuriin, umano’y sangkot siya sa transnational crime na nado-document sa maraming bansa lalo na sa Myanmar.

Sa totoo lang, involved pa ang pulis dahil local cops ang nagpapapirma sa isa sa mga tumakas na biktima ng human trafficking na hindi siya illegally detained. 

Sabi pa ni PAOCC spokesperson Winston John Casio, may national security implications kung si Guo ay hindi Pilipino. Paanong nakabili ang isang foreigner ng ekta-ektaryang lupain (10 hectares) sa Tarlac, at nakatakbo pa sa public office?

Pero, sabi nga ng taga-PAOCC, this is a much bigger problem than Alice Guo, “The problem is global, and the solutions are regional.” Sa Myanmar, daan-dang Pilipino ang natatrapik.  (WATCH: In The Public Square: Running after POGOs – and Alice Guo)

Bago tayo magtapos, kailangang banggitin kung sino ang may original sin. Sabi nga ni Antonio Montalvan II, “We are reaping the whirlwind of Duterte’s power misadventures.” Dahil sa umano’y kinikita sa taxes sa POGOs, dinagsa tayo ng criminal elements mula sa buong Asya. At ngayon, pinapabulaanan ang sinasabing kita, na malayong tinatalo ng “social cost” ng POGOs.

Sabi pa ni Montalvan: Duterte laid the groundwork – and created the conditions – for POGO crimes. Sabi daw ni Duterte noong 2020, “POGOs are clean.”

Nananawagan na sina Senador Sherwin Gatchalian at Risa Hontiveros ng ban sa POGOs. Sana’y matanto ng mga senador na mahalagang unang hakbang ito upang malansag ang mga sindikatong nagtatago sa likod ng POGO o IGL. Isantabi muna nila ang bata-bata (halos kalahati ay malapit kay Duterte.)

Slavery is evil. Human trafficking is evil. Isa ‘yang krimen na walang puwang sa 21st century. Ito ang krimeng nagsasamantala sa kahirapan at desperasyon ng mga Pilipinong kumita ng pera. Dapat din maging leksiyon ito sa mga mambabatas na huwag uto-uto sa gusto ng mga nakaupo sa Malacañang – ang Republic Act 11590 ni Duterte ay pinto patungong impiyerno para sa maraming mga Pilipinong nabiktima ng labor trafficking, sexual trafficking, at scams. – Rappler.com

1 comment

Sort by
  1. ET

    Sana, kung pwede baguhin ang pamagat ng artikulo na ito: “Meme of the month si Alice Guo, pero evil of the century ang POGOs” upang maging “Meme of the month si Alice Guo, pero evil of the century ang POGOs at si Digong.” Isang mungkahi lang po.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!