[EDITORIAL] Leksyon ng SGS: Lifestyle change ang simula

Pitong taon nang naglulunsad ng Social Good Summit sa Maynila ang Rappler, katapat ng Social Good Summit na nagaganap sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Sa katunayan, nagsisimula na ang SGS sa New York habang inilalathala ang editoryal na ito. 

Kumbaga sa anak, magge-grade-one na ang bunso. Pero ano ang relevance nito?

Ang taunang SGS ay patunay na bilang isang news group, hindi lamang kami kuda nang kuda – may katapat itong gawa. 

Pero higit diyan, ito ang buod ng aming commitment sa bayan – na bilang mga mamamahayag hindi lamang namin kayo hinahatiran ng tamang impormasyon at tinutulungang magpasya – narito rin kami upang maging bahagi ng solusyon.

Maraming problema ang bayan at kalakhan niyan ang dysfunctional na pulitika. Pero may mga nagbabadyang problemang umiigpaw sa pulitika, at ang tawag diyan ng mga eksperto ay “cascading collapse of ecosystems,” o ang magkakaugnay na pagguho ng mga ecosystem. 

#InsightForImpact ang isa sa mga hashtag ngayong taon. Ano ang mga insights mula sa summit? 

Ilan lamang ito sa mga insights na nalinang sa SGS – magkahalong pagkabigo at panghihinayang – pero laging hitik sa pag-asa at pagbangon.

Sa pagtalakay ng ating kapaligiran, mahalagang talakayin din ang pinakabagong environment na nagrevolutionize ng ating mundo: ang internet. 

Isa sa pinakamahalagang insight ay nanggaling sa keynote speaker na si Andrew Keen, ang tech enterpreneur na naging kritiko ng mga tech giants ng Silicon Valley. Siya ang sumulat ng aklat na Cult of the Amateur, na nagbuhos ng malamig na tubig sa optimism na sumalubong sa user-generated content, na ayon sa kanya'y, sumisira sa propesyonalismo. Tinawag niyang "epic failure" ang internet.

Sabi niya, “Ang trahedya ng internet, ng digital revolution, sa kabila ng potensyal nitong magbigay-liwanag, ay isinadlak tayo nito sa isang bagong 'dark age.' Hindi aksidente na kasabay ng digital revolution na ito ay ang panghihina ng demokrasya.”

Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, sinabi ni Keen na sa loob ng digital revolution ay natigang ang pagtitiwala. Lugar na itong nagpapayabong sa disinformation. 

Sabi niya, “We need to harness, control, and civilize the digital revolution.” (Kailangan nating linangin, kontrolin, at gawing sibilisado ang digital revolution.)

Isa na rito ang pagbabasura sa “anonymity” o kawalan ng beripikadong identity ng mga gumagamit ng internet.

Mahaba pa ang talakayan pagkatapos ng SGS, pero napakaraming #insightsforimpact dito na pagsisimulan.

Ngayon sa New York, pangungunahan ng 16-year-old climate change activist na si Greta Thunberg ang Youth Climate Summit. Pangunahin sa panawagan niya sa mga lider ng mga bansa: Kumilos!

Sa Maynila naman, matingkad ang isang mensahe – mula sa mga advocates ng recycling at zero waste, mula sa mga mayor ng naninikip na kalunsuran, mula sa internet critic – kailangan ng lifestyle change.

Mahaba pa ang talakayan pagkatapos ng SGS, pero napakaraming insight dito na maaaring pagsimulan. Samahan niyo kami sa tuluy-tuloy nating pagsusumikap na humanap ng solusyon para sa social good. – Rappler.com