Duterte administration

[VIDEO EDITORIAL] Goodbye Duterte, hello Marcos

Nick Villavecer
[VIDEO EDITORIAL] Goodbye Duterte, hello Marcos
Imortal na ang pangalan ni Duterte sa kasaysayan sa imoralidad nito. Susunod ba sa yapak niya si Marcos Jr.?

Nasa sangandaan na naman ang bansa sa pagbakante ni Rodrigo Duterte sa puwesto ng pagka-presidente at pag-upo ni Ferdinand Marcos Jr. 

Pero bago natin ito tawirin, magbalik-tanaw tayo sa higanteng footprint na iniwan ni Duterte sa ating pulitika.

Ang unang footprint: Ang centerpiece ng Duterte administration – ang giyera kontra droga. Walang dudang hindi ito nagtagumpay na burahin ang droga sa lansangan. Ginawa ni Duterteng katanggap-tanggap ang karahasan at mass killings. 

Itinutulak ngayon ni ICC Prosecutor Karim Khan ang panunumbalik ng imbestigasyon sa Davao City killings at sa mismong drug war.

Ang pangalawang footprint: ang pagnonormalisa at paggawang katanggap-tanggap ng misogyny.

Ang pangatlong footprint: dahil kay Duterte, naging institusyonal ang disinformation

Kakambal din ng disinformation ang pagpe-persecute ni Duterte sa independent media tulad ng ABS-CBN at Rappler. Kung walang tagapagbalita, walang bad news.

Pang-apat na footprint: ang pag-we-weaponize ng batas upang durugin ang mga kalaban at kritiko. Naging krusyal ang papel ng Korte Suprema na kumunsinti rito. 

Impunity, bang-bang governance, misogyny, disinformation, weaponization of the law, pagbubusal sa malayang mamamahayag, at pagpapasawalang-bahala sa rule of law. 

Mukhang imortal na ang pangalan ni Duterte sa kasaysayan sa imoralidad nito.

Sa pagba-babay natin kay Duterte, at paghe-hello natin kay Marcos, isang bagay ang matingkad: tila mananatili ang pundamental na mga problema. 

Sa kabila ng mga inaasahang pagbabago, matindi ang takot namin, everything will remain the same. – Rappler.com

BASAHIN: [EDITORIAL] Goodbye Duterte, hello Marcos

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!
Avatar photo

author

Nick Villavecer

Nick Villavecer is a multimedia producer for Rappler where he produces newscasts, explainers, and short documentaries. From 2016 to August 2020, he was a researcher, writer, and segment producer for ABS-CBN's Current Affairs division, producing stories on human interest, public health issues, natural disasters, crimes, accidents, and emergency-preparedness.