COVID-19

[OPINION | Artwork] Diskonektado

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

[OPINION | Artwork] Diskonektado
'Ang pagod ng mga empleyado ay hindi na lamang dulot ng trabaho ngunit hatid na rin ng pagiging mag-isa at pagkawala ng ginhawang natatamasa sa kanilang tahanan'

Given this pandemic, which is clearly not going to end anytime soon, how goes the state of the Filipino worker? What is it like these days to be employed in the middle of a health crisis and economic meltdown?

We asked our readers to send in their illustrations of today’s Filipino worker, and chose the following GIF by Angeli Marcon, entitled ‘Diskonektado’:

Marcon wrote the following with regards to her work:

“Sa nakararami, parang isang pangarap na lamang ang umuwi ng walang bitbit na trabaho. Marami ang nakatutok sa orasan ng opisina, naghihintay sa oras ng pag-uwi upang makapagpahinga sa kanilang mga tahanan matapos ang mahabang araw sa trabaho.

Ngunit ang lahat ng ito’y binago ng pandemya. Wala nang uwiang kasasabikan ang mga empleyado sapagkat nasa tahanan na mismo nila ang kanilang trabaho at mga tungkulin. Tuluyan nang nabura ang guhit sa pagitan ng trabaho at personal na buhay ng nakararaming Pilipino, ngayong ang kanilang mga bahay na rin ang nagsisilbing opisina o workplace nila, dala ng Work From Home setup na isinagawa ng mga institusyon at mga kompanya.

Sa unang tingin, maraming mag-aakala na mas madaling magtrabaho sa loob ng tahanan sapagkat wala ka nang iisiping isuot at mahabang komyut papuntang trabaho. Ngunit isa sa mga mailap na realidad ng WFH ay ang mas dumaming trabaho ng mga empleyado, at ang kakulangan ng tunay na pakikipag-ugnayan o komunikasyon sa ibang tao. 

“Hindi na ngayon problema ang pag-uwi sa tuwing kailangang mag-OT. Wala nang dahilan para hindi matapos ang trabaho sapagkat nasa bahay ka lamang. Dumadating sa punto na hindi na namamalayan na napabayaan na nila ang sarili, sapagkat ang lugar na kanilang pinamamahingahan ay naging lugar pantrabaho na rin. Maaring hindi na rin nila namamalayan ang oras sapagkat wala na silang aabangang lunch break o uwian. Wala nang masasayang kulitan kasama ang mga katrabaho upang maibsan ang bigat ng workload.

Tila sila ay nakakulong sa sarili nilang mundong diskonektado mula sa iba, kung kaya’t ang pagod ng mga empleyado ay hindi na lamang dulot ng trabaho ngunit hatid na rin ng pagiging mag-isa at pagkawala ng ginhawang natatamasa sa kanilang tahanan.”

Marcon currently studies BS Development Communication in the University of the Philippines-Los Banos. She is also a freelancer and amateur animator who just started doing digital art this lockdown.

For more of her artwork, you can visit the following:

Instagram
Twitter
Website

– Rappler.com

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!