Christmas in the Philippines

[REFLECTIONS] Marites, Marisol o Tolits?

Word and Life Publications

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

[REFLECTIONS] Marites, Marisol o Tolits?
Simbang Gabi, ikawalong araw: Wala Siyang binibigo. Ang buong kasaysayan ng kaligtasan ay maluwalhating pagtupad sa Kanyang mga pangako.

(Ang serye ng pagninilay na ito ay handog ng Word and Life Publications tagapag-limbag ng ‘Patnubay sa Misa’ at ‘Euchalette.’ Ito ay ibinabahagi ng Rappler bilang paghahanda sa Kapaskuhan.)

Malakias 3: 1-4.23-24; Lukas 1: 57-66

Saksi tayong lahat sa napakabilis na pagbabago ng ating wika, ang mga katagang hindi mo inaasahan ay bigla palang mayroon nang ibang ibig sabihin. Nandiyan ang salitang “kalat.” Noong araw ang kalat ay walang halong kabastusan, kundi karumihan lamang. Iba na ang kahulugan nito ngayon.

Nandiyan din ang hate-na-hate ng mga kapangalan nito – ang mga marites o marisol, o tolits. Ang lahat ay may kinalaman sa chismis, na malimit ay nagmumula sa mga kapit- bahay, o mga taong medyo matalas lagi ang pang-amoy tungkol sa buhay ng may buhay. Si Zacarias at Elizabet ay malamang naka- ranas din ng konting marites sa paligid nila. Pero maganda naman ang kanilang ginawa: nakipagsaya sila kay Zacarias at Elizabet nang isilang si Juan Bautista.

Dapat nating sabihin ito: mahusay silang kapitbahay. Karamay silang tunay. Kasama sa tuwa, at malamang ay kasama rin sa pighati. Sila ay hindi nanghaba ang nguso upang pag piyestahan ang dalawang matandang mag- asawa, kundi upang makiisa at makiramay.

Kapitbahay . . . Dapat nating pag-usapan ito. Ang buong tradisyon ng social teachings o turong may kinalaman sa hustiysang panglipunan ay nagpapahalaga sa salitang “pamilya” at “pag-ibig.” Ang pamilya at pagmamahalan sa pamilya ay batayang mga pagpapahalaga na dapat nating isabuhay. Ang pag sinabi nating pamilya, ito ay may kinalaman hind isa nuclear family ng tatay, nanay at mga anak, kundi may kinalaman rin sa buong pamilya ng sangkatauhan. Ito rin ay patungkol sa Simbahan o Iglesya, na siyang pamilya ng mga sumasampalataya.

Ano ang tinutumbok ng mga pangaral na ito tungkol sa kaisahan ng mga buong pamilya ng sangkatauhan? Tinatawagan tayong lahat na gumawa, bumuo at ipagtaguyod ang tinatawag na sibilisasyon ng pag-ibig.

Pero ang sibilisasyong ito ay nagmumula muna kung saan tayo naroroon – sa ating munting pamilya, maliit na pamayanan, sa baryo, sitio, homeowners association o kalye. At nagsisimula ito sa pag-iwas sa pagiging marites, Marisol, o tolits. Ganoon lang ka- simple ito. – – Word and Life Publications/Rappler.com

This reflection is part of the ‘Patnubay ng Misa,’ which can be downloaded at the Word and Life Publications site.

Here are more reflections and stories about Christmas in the Philippines

SCHEDULE: Simbang Gabi, Misa de Gallo 2023 sa mga mall at iba pang pasyalan

SCHEDULE: Simbang Gabi, Misa de Gallo 2023 sa mga mall at iba pang pasyalan

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!